MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Pagpapakasal, Kialangan nga ba?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang magangdang linggo ang nagdaan naman sa ating mga buhay at isang panibagong linggo na naman ang ating sisimulan at labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa araw-araw ay nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin at sa aking buong pamilya at patunay na nito ang pagbibigay ng lahat ng aking pangangailangan sa araw-araw at lalong lalo na ang buhay at magandang pangangatawan na kanyang ibinigay sa akin.

Mahigit isang linggo na nga ang nagdaan ng huling nagbahagi ako ng aking repleksyon sa isa sa mga Video ng MCGI Community YouTube Channel dahil nga sa naging abala ako nitong mga nagdaang mga araw, at ngayon nga din ay meron na naman akong napanuod sa isa sa mga video na itinuto ni Bro Eli at magbabahagi na naman ako ng aking repleksyon o mga antutunan ko tungkol dito. Ang aking napanuod nga ay tungkol sa pag-aasawa at dahil nga sa isa ito sa pinaka gustong kong topic, ay nagpapasalamat ako sa lahat ng aking natutunan, at title nga ng aking napanuod ay "Pagpapakasal, Kailangan nga ba?".

1.png

Dahil nga sa nasa pangyayari na ako sa aking buhay ngayon na mag-hahanda na sa panibagong estadu ng aking buhay lalong lalo na sa pag-aasawa ay naging mas interesado ako sa mga topic na merong mga pag-aaral tungkol sa pag-aasawa, kung kaya noong napanood ko ang video na ito ay nagpapasalamat talaga ako sa Dios.

Kung ating pag-aralan ng mabuti ang Biblya, ang salita ng Dios ay hindi naman talaga mahalaga ang kahit na anomang mga dukomento na para lang dito sa mundong ito, ang mahalaga ay ang sensero ang bawat isa na magsama ng habang buhay na walang kahit na sino man ang makakapaghiwalay dahil pinag-isa na sila ng Dios.

2.png

Galacia 3:15 β€œMga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man."

Ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao bunga ng kanilang mga nararamdaman sa isa't isa at kailangang magpakasal dahil ito ay kailangan para sa mundonga ating ginagalawan ngayon pero hindi talaga ito ang pinaka magalaga sa lahat dahil ang pinaka mahalaga ay ang pagkakaroon ng sensero at tunay na pagmamahal sa bawat isa ng lalake at babae, at kung sakaling hindi man sila makasal at kung mapagtibay ito ng kanilang pagmamahalan ay walang kahit na sinoman ang walang makakapag hiwalay.

4.png

Alam naman natin na hindi talaga madali ang mga pagdesisyon lalong lalo na ang pag-aasawa kaya kailangan talagang pag-isipan ito ng mabuti. Marami talaga akong na realized tungkol sa topic na ito kung ating itatanong sa ating mga sarili, kung ang Pagpapakasal, kailangan nga ba? Para sa akin kailangan naman siya dahil nandito tayo sa mundong ito, pero ating tatandaan na hindi ito ang pinakamahalaga sa lahat, kailangang mapagtibay natin ang ating pagmamahalan sa isa't isa na walang kahit na ano o sino man ang makakapag hiwalay.

Hindi naman natin maikakaila na maraming pagsubok ang ating madadaanan sa pagpapamilya pero ating laging isaisip at isa puso na ang taong ating pipiliin ay makakasama nating hanggang kamatayan, till do us part kombaga.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Papaano Malilinis ang ating mga Puso?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments