MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios (Ikalawang Bahagi)" 😇🙌☝️

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! 😇

Nitong mga nakaraang mga araw ay naibahagi ko sa inyong lahat ang unang bahagi nang panibagong paksa na bibigyan ng repleksyon na siyang naka featured sa MCGI Hive Community at para malaman at mabasa ang unang bahagi, paki-click dito.

Ngayon naman taus puso kong ibahagi sa inyon ang ikalawang bahagi ng paksang may pamagat na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios", at dito nga ay ibabahagi ko ang ilan sa mga natutunan ko mula sa pagpapaliwanag ni Bro. Eli at ito ay mula sa mga Salita ng Dios.

1.png

Kung sa unang bahagi ng paksang ito ay nabahagi na kailangan nating ma experience ang Dios upang tayo ay magkaroon ng pananampalataya sa Dios kahit na hindi natin Siya nakikita, ngayon naman sa ikalawang bahagi ay, nauunawaan at nakikilala natin ang Dios sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ginawa, ito nalalaman natin na meron talagang Dios.

Roma 1:20 “Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:"

Masasabi natin na talagang napakabuti ng Dios at sa lahat ng kanyang ginawa sa mundong ito at para ating lahat. Ang walang hanggang kapangyarihan ng Dios at ang kanyang pagka Dios ay makikita at mapapatunayan natin sa lahat ng mga bagay na ginawa Niya sa ating lahat. Mula sa kung anong makikita natin sa kalawakan hanggang sa sanlibutan, hanggang sa lahat ng mga bagay na merong buhay at wala dito natin mapagtanto ang walang hanggang kapangyarihan at kanyang pagka Dios.

2.png

Ang lahat nag ating mga nakikita sa mundong ito ay hindi lang aksidente, hindi basta basta lang lumabas dahil merong isang nad desisyo at gumawa nito, at ito ay ang ating Dios. Kung ating titignan ang araw talagang napakalaki at walang kahit na isa o sino man ang naka punta dito dahil init nito at ang mga benepesyong nakukuha natin dito ay marami talaga at ang mga tao ay na deskobre ang lahat ng ito. Kung ating titignan, ang araw ay talagang napaka gandang ang paggawa at kung ating tatanungin paano ito nagawa, isa lang ang ating masasabi, tanging ang Dios na makapangyarihan sa lahat ang siyang gumawa nito.

3.png

Isa din sa pinaka maganda at special na ginawa ng Dios ay ang DNA ng tao walang sino man ang magkapariha at kung ang DNA ng lalake at babae ay magkaisa tiyak na ang anak ay merong pagkakataon na kamukha ng lalake o babae o kaya ang ugali ay magkapariho, itong lahat ay hindi basta basta lang nangyari o aksidente ang lahat dahil itong lahat ay plano ng Dios. Plano din ng Dios na itong lahat ay ma diskubre ng mga Siyensya upang mapatunayan na meron talagang lumikha ng lahat ng ito, at ito ay ang ating Dios lamang na makapangyarihan.

Ngayon naman para sa aking replkesyon o mga natutunan sa ikalawang bahagi ng paksang ito na meroon pamagat na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios". Dito nga sa mundong ito, marami tayong nakikita o nalalaman sa pamamagitan ng internet ito mga aklat na ating nababasa, at kung minsa matatanong natin kung paano o sino ang gumawa ng lahat ng ito, ang tanging masasabi ko lang ay tanging ang Dios lamang ang gumawa ng lahat ng ito.

Ang lahat ng mga nakikita natin sa mundong ito, ang isa sa tanging paraan upang ang tao ay manila sa Salita ng Dios. Kaya palagian nating ilagay sa ating mga puso at isip ang pagpasalamat sa Dios sa lahatn ng kanyang ginawa sa ating lahat mula noon hanggang ngayon.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios" na merong tatlong bahagi at dito na ako sa bahagi, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod na bahagi uli ng topic na ito mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments