BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLESYON:: "Paggawa ng mabuti sa kapuwa, pagkakataong bigay ng Dios" 😇🙌☝️

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! 😇

Unang una po ang lahat taus puso po akong nagpapasalamat sa Dios sa bawat pagkakataon na makapagpaunod ako ng ilan sa mga Videos ng MCGI Community YouTube Channel dahil sa bawat panunuod ko nga ay marami akong natutunan na nakakatulong din sa akin lalong lalo na sa aking pananampalataya sa Dios. Kaya nga unang una nga ay nagpapasalamat ako sa Dios sa lahat ng ito, at salamat din sa MCGI Community dito sa Hive dahil sa walang sawang suportang natatanggap ko dito.

Ngayon nga ay isang bagong topic ang aking napanuod na merong title na, "Paggawa ng mabuti sa kapuwa, pagkakataong bigay ng Dios" at magbabahagi ako ng aking reflection tungkol dito.

1.png

Habang tayong lahat ay nabubuhay sa mundong ito, marami tayong nakakasalamuhang mga tao at bawat tao ay nagkakaiba ng mga ugali at bilang isang tao meron din tayong iba't ibang mga paraan upang makisalamuha sa kanila, pero ang gusto ng Dios para sa atin ay ang gumawa ng mabuti sa bawat taong nakakasalamuha natin.

Sabi pa ni Bro. Eli, na kung meron man tayong makakasalubong na pagkakataon na makagawa ng mabuti sa mga tao ay gawin natin ito dahil sa pamamagitan nito ay nakikipag usap ang Dios sa atin. Ang bawat pagkakataon na nangyayari sa atin ay itinakda ng Dios kaya mas mabuting gumawa tayo ng mabuti sa kapwa.

2.png

Maraming mga pagkakataon at panahon na nakakasalamuha tayo ng iba't ibang mga tao, kung kaya dapat tayong gumawa ng mabuti sa kanila. Ang Dios ang may gawa ng panahon at kung meron man tayong mga oppourtunity na gumawa ng mabuti gawin natin ito dahil utos ito ng Dios para sa ating lahat, ang gumawa ng mabuti sa ating mga kapwa.

3.png

Galacia 6:10 “Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Dito sa ating mundo hindi talaga natin maikaila na maraming mga gawa ng kasamaan o ni satanas upang tayo ay makagawa ng mali o kasalanan pero ating tatandaan na hinding hindi tayo pababayaan ng Dios dahil Siya ang mismo ang gagawa at gagawa ng paraan upang tayo makagawa ng mabuti. Dahil ayon nga sa Salita ng Dios na kung meron man tayong pagkakataon na gumawa ng mabuti, gawin natin ito lalong lalo nasa ating mga kapatid sa pananampalataya o kahit na sa lahat ng mga taong nakapaligid sa atin.

4.png

Kung meron mang mga pagkakataon na tayo ay makagawa ng mabuti gawin natin ito, sa mga oras na tayo ay gumagawa ng mabuti, tumutulong sa ating mga kapwa ay nakikipag usap sa atin ang Dios, kaya huwag tayong tumigil sa paggawa ng mabuti.

Ngayon para sa ating kabuoang reflection o mga natutunan sa topic na ito, masasabi ko na tayong lahat ay ipinangak na mabuti pero dahil nga sa mga gawain ng kasamaan ay nakakagawa din tayo ng mga kamalian pero ating tatandaan na laging nandyan lang ang Dios sa ating mga buhat at hindi Niya tayo pababayaan na makagawa ng masama, kaya buong puso akong nagpapasalamat sa Dios dahil nagpapa-alala ito sa akin na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa kapag bibigyan tayo ng pagkakataon ng Dios dahil dito nakikipagusap Siya sa atin.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Paggawa ng mabuti sa kapuwa, pagkakataong bigay ng Dios", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa aking lalong lalo na ang MCGI Hive Community.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments