ANG AKING REPLEKSYON: "Problema ng Mag-asawa ano ang dapat gawin?" ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! ๐Ÿ˜‡

Isang magandang araw nga sa ating lahat lalong lalo na sa ating mga kasamahan dito sa MCGI Community dito sa Hive Platform na laging tumutulong at sumusuporta, kaya labis akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa bawat video na nakikita ko sa kanilang YouTube channel ay marami talaga akong natututunan na siyang magagamit ko sa aking buhay lalo na kapag ang topic ay tungkol sa pag-aasawa. Kung kaya noong nakita ko ang topic na bibigyan ko rin nang aking reflection o mga aral na natutunan, masasabi ko talagang maganda ito dahil hindi talaga maiiwasan na magkakaroon talaga ng problema ang magasawa, ang title nga ng topic ngayon ay "Problema ng Mag-asawa ano ang dapat gawin?"

1.png

Bilang isang taong wala pang asawa ngunit merong mga planong papasuk sa pag-aasawa dahil tayong lahat naman ay papunta dyan, malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil nakita ko ang topic na ito na masasabi kong makakatulong talaga sa akin.

Kung ating titignan sa ibang taong meron ng pamilya o kahit sa akin na meron pa lang girlfriend, hindi talaga maiiwasan ang pag-aaway dahil bahagi na talga yan sa buhay mag-asawa.

2.png

Sa bawat mag-asawa nga na nag-aaway kailangan itong pag-usapan ng mabuti. Sabi pa nga ni Bro. Eli na kailangan pag-usapan ang mga problema ninyo upang magkaroon ng kasundoan. Kailangan sa mag-asawa na hindi magkaroon nang communication gap o yong tipong hindi na pag-uusapan ang problema na maaring kahihinatnan ay mas malaki pang problema sa parating pang mga panahon.

Kung kaya kung maari lang na kung merong mga problema ang mag-asawa pag-usapan agad upang masulusyonan agad. Meron ding nasabi si Bro. Eli na kailangan na "ang lahat ng problema dapat ise-settle to the last detail para walang masamang mamamagitan.", at tama naman talaga ito kaya kailangan talaga ang communication sa bawat isa.

3.png

1 Mateo 5:25 โ€œMakipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.โ€

Ayon sa salita ng Dios na ating mababasa ay kailangan tayong kaagad makipag ayos sa ating mga kaalitan lalong lalo na sa atingm mga asawa baka sakaling hindi pa kayo magka-ayos ay mas marami pang mangyayaring hindi maganda.

Hindi naman talaga maiiwasan ang mga problema pero kailangan itong lutasin agad at wag na dapat palakihin at kung pweding mapag-usapan agad, pag-usapan na kaagad para malutas din agad at hindi na lalaki pa.

4.png

Kailangan sa bawat mag-asawa ay merong open communication sa bawat isa na kung sakaling merong problemang darating sa dalawa ay agad itong mapag-usapan at nang makagawa agad-agad ng mga paraan upang maayos agad ang mga ito dahil nga open sila sa bawat isa. Kung meron mang mga problema, kung meron dapat pag-usapan ay dapat na pag-usapan.

Ngayon naman ay ibabahagi ko ang aking mga natutunan sa paksang ito. Bagamat wala pa akong asawa ngayon pero meron na din naman akong mga plano na papasuk sa pag-aasawa ay marami talaga akong natutunan dito dahil ito paksang ito ay nagpapa-alala sa akin na kung sakaling darating ang panahon na mag-aaway kami ng aking asawa sa darating na panahon ay kailangan itong pag-usapan agad at upang makagawa ng paraan upang maayos ang kahit na ano mang problema na nangyari.

Ang tanging sagut lang sa pag-aayos ng mag-asawa sa lahat ng mga problema o alitan na mangyayari ay pag-usapan agad at makipag-ayos at higit sa lahat humingi ng tulong sa ating Dios kung ano man ang dapat na mas magandang gawin ng mag-asawa upang maayos ang lahat dahit wala nang ibang tutulong sa atin kundi ang ating buhay na Dios lamang.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Problema ng Mag-asawa ano ang dapat gawin?" at talagang marami akong natutunan sa lahat ng mga na discuss ni Bro. Eli, at salamat sa Dios sa lahat ng ito.

To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments