ANG AKING REPLEKSYON: "Pagtatamo ng Kaligtasan, solo ka o may kasama?" ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! ๐Ÿ˜‡

Isang magandang araw ang nagdaan sa ating mga buhay na dapat nating ipagpasalamat sa Dios lamang. Ngayong araw na ito bago ko simulan ang lahat ay taus puso akong nagpapasalamat unang una sa Dios na siyang mayari ng aking buhay at lahat nang mga bagay sa mundong ito at sa lahat ng mga Admin at Moderators ng Community na ito ng MCGI na walang sawang sumusuporta sa lahat ng aking mga reflections na naibahagi.

Ngayon nga din ay meron na naman akong bagong reflection mula sa panibagong topic na nakita at napakinggan sa YouTube Channel ng MCGI Community na merong title na, "Pagtatamo ng Kaligtasan, solo ka o may kasama?".

1.png

Habang nanunuod nga ako ng mga video sa MCGI YouTube Channel ay nakuha ang aking attensyon sa topic na ito na patungkol sa kaligtasan ng tao, na merong tanong kung solo ba ito o kung may kasama ka? Isang magandang topic lalong lalo na para sa akin dahil isa nga ito sa aking gustong malaman, mga aralin tungkol sa kaligtasan ng tao.

Roma 12:9 โ€œAng pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.โ€

Habang tayong lahat ay nandito pa sa mundong ito, meron talagang mga samahan tayo kung saan doon tayo humahanap o nahahanap ang kaligtasan na galing sa Dios pero kung hindi natin mahanap ang ating samahan at kung sa ating mga sarili ay nahanap na natin ang kaligtasan ay, tiyak na tayo ay ligpas subalit mas maganda parin kung meron tayong mga kasama sa paghahanap ng kaligtasan galing sa Dios. Mas magandang makisanib tayo sa mga mabubuting mga tao upang mahanap nating ang totoong kaligtasan ng Dios.

3.png

Marahil maraming pagkakataon na merong mga tao dito sa mundong ito na walang mga samahan na sinasalihan o kaya ay hindi tiyak ang samahan, kaya ang gusto ng Dios na makisanib tayo sa mga mabuti, mga mabubuting mga samahan para sa Dios.

Galacia 6:2 โ€œMagtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.โ€

Ayon pa kay Bro. Eli na tayong mga Kristiya ay hindi intensyon ng Dios na maglingkod tayong mag-isa,dahil intensyon Niyang mag-sama sama tayo sa paglilingkod sa Dios dahil marami tayong papasamin sa mundong ito.

Dahil nga sa meron tayong mga pasanin sa mundong ito, kaya kailangan natin ng samahan na galing sa Dios o may takut sa Dios. Kailangan natin ang kapatiran dahil hindi tayo ginawa ng Dios na mag-isa, ginawa tayo ng Dios na merong mga kasama, at gayon din naman sa ating paghahanap ng kaligtasan sa Dios, kailangan natin ng samahan o kapatiran upang meron tayong kasama sa lahat ng ating mga pasanin sa buhay. Kailangan ang pagtulong tulong ng bawat isa upang matupad nating ang utos ng ating Panginoong Hesu-Cristo.

4.png

1 Pedro 2: โ€œIgalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador.โ€

Ang sabi nga sa Salita ng Dios na dapat igalang ang lahat ng tao at mahalinm ang mga kapatid kay Cristo o ang ating mga kapatirap sa Dios. Kung kaya mamuhay tayo sa mundong ito kasama ang mga samahan na meron pagmamahal at paggalang sa bawat isa, isang samahal na tunay at merong takot sa Dios, isang samahan na merong tunay na pananampalataya sa Dios.

Ngayon naman ay ibabahagi ko ang aking mga natutunan sa topic na ito tungkol sa kaligtasan tao, kung solo ba o may kasama. Para sa akin, kailangan talaga natin ng mga kasama na merong tunay na pananampalataya sa Dios upang mahanap natin ang tunay na kaligtasan sa Dios.

Sa tanong kung solo ba ito, maaring maging solo ang kaligtasan kung ikaw ay walang ka-alam alam sa mundong ito pero kung ikaw ay nadungisan o meron ng alam sa mga pangyayaring kasamaan ng mundo, kailangan natin ng kasamahan o mga kapatiran sa pananampalaya dahil ang mundong ito ay puno ng pasakit at pasanin.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, Pagtatamo ng Kaligtasan, solo ka o may kasama?", at sobrang pasasalamat ko sa Dios sa lahat ng aking mga natutunan sa topic na ito na tungkol sa kaligtasan ng tao.

To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.

wala



0
0
0.000
0 comments