ANG AKING REPLEKSYON: Pagpapakumbabang-loob" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang magandang araw na naman ang nagdaan sa ating mga buhay at sa nakalipas na liggo ay marami talaga tayong maipagpasalamat sa Dios lalong lalo na ang buhay at walang sawa Niyang pagmamahal sa atin. Ngayong araw nga na ito ay magbabahagi na naman ako ng aking mga natutonan sa isang paksa na ibinahagi sa WhatsApp Community ng MCGI na napanuod ko rin sa kanilang YouTube Channel na merong pamagat na, "Pagpapakumbabang-loob".

Isa na naman itong magandang pagusapan dahil habang tayo ay nabubuhay meron talaga tayong mga iba't ibang mga taong makakasalamuha na merong iba't ibang mga katangiaan, at kailangan nating malaman kung ano ang gusto nang Dios sa tuwing tayo ay nakikisalamuha sa kanila.

1.png

Bilang isang tao na nabubuhay dito sa mundong ito, marami tayong mga tao na nakikilala at nakakasalamuha na kung minsan ay nakakagawa ng hindi maganda sa atin pero ang Salita ng Dios nagbibigay paalala sa atin na kailangan tayong lahat ay magkakaroon ng pagpapakumbabang-loob. Kailangan talaga natin ang pagpapakumbabang-loob dahil ito ay nagbibigay sa atin ng mga magagandang katangiaan, nag-aalis sa atin ng kayabangan, pang mamataas sa sarili, pride at marami pang hindi kaaya-ayang mga katangiaan ng ating pagsasalamuha sa mga tao, mga katangiaan na palaging may tiwala sa sarili na para bang wala nang ibang kailangan kundi ang sarili.

2.png

Mateo 5:3 β€œMapalad ang mga mapagpakumbabang-loob; sapagka't kanila ang kaharian ng langit”

Kung ating babasahin ang Salita ng Dios na naibahagi ni Bro. Eli, magandang malaman na ang pagkakaroon natin ng mapagkakumbabang-loob sa ating mga sarili ay merong pangako ang Dios na mapabilang o mapasa-atin ang kaharian ng langit. Isa ito sa paraan upang mapunta tayo sa langit ay ang pagkakaroon natin ng mapagpakumbabang-loob sa ating mga sarili sa bawat araw at mga tao na dumating sa ating mga buhay kahit na s mga tao na merong mga nagawang mali sa atin.

Bawat isa nga sa atin ay merong nakakaibang mga katangian pero ang gusto ng Dios sa ating ay magkaroon tayo ng mapagpakumbabang-loon sa sarili, tanggalin nating ang mga katangiaan na mapagmataas sa sarili o ating mga pride dahil isa din ito sa maging dahilan ng mga hidwaan o pagkakaroon ng sama ng loob sa kapwa. Dapat nating ipa-iral ang pagpapakumbaba ng ating mga saril sa lahat ng panahon.

Kung ating titignan sa ating mga paligid, hindi maitanggi na meron talagang mga tao na mapagmataas sa sarili, o pinapataas nila ang kanilang sarili kaysa sa ibang tao, o pagkakaroon ng yabang sa kung ano man ang nakamit nila. Ating palaging ilagay sa ating sarili at kaisipan na hindi ito ang gusto ng Dios, ang gusto ng Dios sa ating ay ang pagpakumbabang-loob.

1 Juan 2:16 β€œSapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.”

Ating basahin ang Salita ng Dios sa 1 Juan 2:16, ito ay nagpapa-alala sa atin nag ang lahat ng mga masamang ginagawa ng ating laman o natin sa iba o kahit na ano mang mga masamang bagay, ay hindi galing sa Dios kundi dito sa sanglibutan, kung kaya ating tatandaan na hindi natin gawin ang mga bagay na masama dahil hindi ito galing sa Dios at hindi ito kaaya-aya sa paningin ng Dios.

3.png

Kung kaya kailangan talaga nating ang pagpapakumbabang-loob sa ating mga sarili upang magawa natin ang kung ano man ang gusto ng Dios para sa atin.

Para sa akin naman, marami talaga akong natutunan sa paksang ito dahil merong talagang mga pagkakataon na nakakapagpataas ako ng aking sarili lalo na sa pagkakataon na nakikita kong mas mataas ako sa kanila. Pero dahil sa paksang ito, labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil natutunan ko na kailangan talaga natin ang pagpapakumbabang-loob dahil ito ang gusto ng Dios at ito ang turo ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagpapakumbabang-loob" at talagang marami akong natutunan sa lahat ng mga na discuss ni Bro. Eli, at salamat sa Dios sa lahat ng ito.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
2 comments
avatar

Wow such a great writeup although I don't understand the translation farewell πŸ™‹πŸ»

0
0
0.000
avatar

Wow such a great writeup although I don't understand the translation farewell πŸ™‹πŸ»

0
0
0.000