ANG AKING REPLEKSYON: "Family Planning, Biblikal Ba?" ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

avatar
(Edited)

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! ๐Ÿ˜‡

Bago ko simulan ang lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal sa akin araw-araw at sa lahat ng mga biyaya na aking natatanggap sa araw-araw. labis din ang aking pasasalamat sa lahat ng mga natutunan ko dito sa YouTube Channel ng MCGI na nagbabahagi ng mga aral sa buhay at tumutulong upang mapalakas pa ang ating pananampalataya sa Dios.

Ngayong araw nga na ito ay isa na namang repleksyon ang aking ibabahagi sa inyong lahat mula sa bagong topic na nabasa ko na merong tema na patungkol sa pamilya at ito ay may titulong, "Family Planning, Biblikal Ba?"

1.png

Isang napaka exciting at interesting ang topic na ito ngayon dahil tumutukpoy nga ito sa pamilya na siyang isa sa pinaka importang dapat nating mabigyan ng aral lalong lalo na sa aking dahil sa hindi katagalan ay papasukin ko na rin ang buhay may pamilya.

Ang pagsimula at pagbuo ng pamilya ay hindi madali kung kaya ay dapat itong paghandaan ng mabuti at pag-isipan dahil alam nating nasa huli talga ang pagsisisi.

3.png

1 Corinto 7:29 โ€œMga kapatid, ito ang ibig kong sabihin: malapit na ang wakas ng panahon, kaya't mula ngayon, ang may asawa ay mamuhay na parang walang asawaโ€

Kung ating pag-usapan ang Family Planning, na ibahagi dito ni Bro Eli na talang Biblikal ito dahil nakasulat sa Bibliya ayon sa 1 Corinto 7:29, dahil nga kung ating titignan ngayon ang panahon natin ay malapit na talaga ang wagas kung kaya, ang mga merong mga asawa ay mamuhay na parang wala asawa, ngutin hindi ibig sabihin nito na wala na talaga silang mga asawa kung hindi ituring na wala pa silang mga anak kung kaya kailangan ang mga tao ay magpigil sa kanilang mga sarili sa pagkakaron ng maraming mga anak, kailangan mag control sa kanilang mga sarili.

Genesis 9:1 โ€œSi Noe at ang kanyang mga anak ay binasbasan ng Diyos: โ€œMagkaroon kayo ng maraming anak at punuin ninyo ng inyong supling ang buong daigdig.โ€

Kung ating titignan sa panahon nila Adan at Eva, dalawa pa lang sila noong mga panahon na iyon kung kaya sinabihan sila ng Dios na magpakarami sila. Doon naman sa panahon nila Noe na kung saan wala lamang silang natira noon, binasbasan sila ng Dios na magpakarami.

Subalit kung ating titignan sa panahon natin ngayon, napakarami na ng tao kung kaya kailangan na talagang mag control sa sarili ang bawat isa dahil atin din nakikita sa ating mga paligid dahil dami ng tao at hirap ng buhay halos wala nang matirhan at makain dahil hindi ma control sa pag-aanak ang mga sarili kahit hindi kaya. Sabi pa ni Bro. Eli na hindi naman masama ang pag control, nakakatulong pa ito.

Ngayon, ibahagi ko sa inyong lahat ang kung ano talaga ang natutunan ko sa topic na ito. Kung tatanoning ako kung Biblikal ba ang Family Planning, ayon sa mga aral na naibahagi ni Bro Eli ay talagang Biblikal ito dahil nga mga pangyayari sa ating mga buhay ngayon at sa ating sanglibutan, kailangan na talagang magpigil sa sarili upang hindi maghirap sa buhay. Nakakatulong din ang Family Planning upang maalagaan ng mabuti at mapalaki ng mabuti ang mga anak.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Family Planning, Biblikal Ba?" at talagang marami akong natutunan sa lahat ng mga na discuss ni Bro. Eli, at salamat sa Dios sa lahat ng ito.

To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments