ANG AKING PINAKA-BAGONG REPLEKSYON: "TPapaano mahahanap ang katotohanan?" ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! ๐Ÿ˜‡

Mahigit isang linggo na nga ang nakaraan noong huli akong nagbahagi ng aking reflection sa isa sa mga videos sa YouTube Channel ng MCGI Community dahil nitong mga nakaraang mga araw ay medyo naging aba ako sa mga gawain namin para sa Dios, at ngayon labis akong nagpapasalamat sa Dios dahil isa na namang magandang aral ang aking natutunan mula sa bagong topic na aking narinig at ibinahagi ni Bro. Eli Soriano na meron title na, Papaano mahahanap ang katotohanan?. Tanging dalangin ko nga lang din ay marami kayong matutunan sa mga maibabahagi tungkol sa topic na ito.

1.png

Bilang isang tao, marami ngang pagkakataon na tayo ay maghahanap ng katotohanan at kung minsan nga din ay mali ang mahahanap natin pero kung ating titignan sa Salita ng Dios isa lang talaga ang paraan upang mahanap natin ang katotohanan at iyo mahahanap natin sa Salita ng Dios.

Ayon pa kay Bro. Eli, na ang palatandaan ng katotohanan ay ang aral ng Dios at mahahanap natin ito sa Salita ng Dios, ito ay mababasa natin sa Bibliya.

Juan 17:17 โ€œPakabanalin mo sila sa katotohanan; ang Salita mo ang katotohanan.โ€

Dito natin mababasa sa Salita ng Dios sa Juan 17:17 na tayo ay pakabanalin sa katotohanan dahil ang katotohanan ay ang Salita ng Dios na tanging mababasa lamang natin sa Salita ng Dios.

Malalaman mo ang katotohanan kung ipagkokompara mo ang mga aral ng iba't ibang mga grupo kung sino at kung ano talaga ang maganda o mabuti para sa inyo.

3.png

Kung meron tayong nais na malaman ang katotohanan, kailangan natin malaman ang kung sino ang nagsasabi ng kasinungalingan at katotohanan kaya kailangan nating e kumpara o aralin ang mga itunutoro sa atin nga mga aral ng Dios sa atin kung nagtuturo ba ito ng totoo at dito natin malalaman ang mga aral ng Dios maganda at nakakabuti sa atin. Sa pagkokompara ng mga aral ng mga iba't ibang mga grupo dito malalaman natin ang totoo.

Malalaman din natin kung sino ang nagtuturo ng katotohanan sa pamamagitan ng mga Salita ng Dios dahil tanging sa Salita lamang ng Dios natin malalaman ang katotohanan.

Ngayon para naman sa aking mga natotonan sa pag-aaral ko at panunuod ng video mula sa MCGI YouTube Channel na tungkol sa paghahanap ng katotohanan, talagang nagpapasalamat ako sa Dios dahil ito ay nagpapa-alala sa akin na bagamat maraming mga grupo o mga relihiyon ang lumalabas ngayon na nagtuturo ng mga aral at Salita ng Dios, ang tanging paraan upang malaman at masasabi nating nagtuturo ito ng katotohanan ay sa pamamagitan lamang ng mga Salita ng Dios, ang tanging katotohanan lamang ay ang Salita ng Dios.

Marami ngang mga grupong nagbabahagi nga mga Salita ng Dios pero kailangan natin itong ipagkompara kung nagtuturo ba ito ng katotohanan at nagbibigay nga kabutihan sa atin dahil ang Salita ng Dios ay pawang kabutihan lamang ang tinuturo dahil ito lang ang katotohanan.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Papaano mahahanap ang katotohanan?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios na bagamat medyo matagal na ang aking huling reflection ay marami parin ang sumusuporta sa akin, lalong lalo na ang MCGI Hive Community.

To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments